2.14.2013

UbeKeso's 4th Valentines day!


Para sa Pinaka gwapong lalaki sa paningin ko,

Dahil wala akong regalo idadaan ko nalang dito. Ek kasi naman sa 1140 na araw na tayo magkasama naubusan na yata ako ng idea-char! Sige na nga wala lang talaga akong pera.haha! Kaya pag tiyagaan mo na tong nakayanan ko. Ok, gusto ko lang malaman mo na ang saya saya ko kasi 4th Valentines day na natin at heto parin tayo matatag-naks. Salamat sa napaka habang pasensya at walang sawang pang-unawa, sa mga walang kupas na jowk at pick-up lines, sa mga simpleng surpresa at sa napaka sarap na pag mamahal, salamat, maraming salamat. Alam ko mahirap akong i-maintain kasi package deal ako. Pero anjan ka parin palagi sa tabi ko kahit ganu pa kagulo ang mundo ko. Sorry kung nag aaway tayo at mas madalas kasalanan ko, sorry kung minsan feeling mo nakakalalake na ako, haha. Alam mo naman ang girlfriend mo may topak at madalas may sapi (but infairness sa akin nag iimprove na ako) pero ok lang yun atleast mas sumasaya ang buhay! Anyway, salamat din ng sobra dahil nag iisang ako lang sa buhay mo, ako ang nag iisang mahal mo at sa akin umiikot ang mundo mo (Dapat lang kung hindi lagot ka sakin!). Lahat ng babae pangarap yan, so salamat kasi tinupad mo ang pangarap ko.  Basta tandaan mo lang kahit wala kang kotse at maraming pera ok lang, mayaman ka naman sa pag mamahal, dun palang solve na ako. Di ka man milyonaryo basta yakap mo lang ako pakiramdam ko ang yaman yaman ko (ang plastic ko! haha). Sana walang mag babago, sana habang buhay ganito na tayo. Sabi ko nga, malungkot gumawa ng mga bagay bagay kung mag isa ka lang, dapat may kasama ka at ikaw ang gusto ko kasama, ikaw lang habambuhay. Ano ba yan ang haba na, nobela na ito, ang korny ko na kaya tatapusin ko na. Pero infairness sa akin, nakapag tagalog ako ng deretso (di mo lang alam dumugo utak ko) ang hirap kaya nito. Sige na nga hanggang dito nalang, Maligayang araw ng mga puso mahal ko.

Pahabol, Sigurado kinikilig ka nanaman pero hoy Andress! may bayad ito, malapit na ang kaarawan ko dapat may surpresa ako mula sayo. At dahil alam ko na wala pang sweldo payag naman ako na late na ang celebration bilang ubekeso day din sa 20. So bale triple celebration na yun next weekend kaya nag eexpect ako ng bongga at havey na surpresa! hahaha!

Nagmamahal,

Ang pinaka magandang babae sa paningin mo

No comments:

Post a Comment